CHECK IT OUT

CHECK IT OUT
arn

Monday, April 28, 2008

“Pagmamahalan”

Dilag na marikit at kaakit-akit

Nagbigay buhay at kulay
Sa pusong nalulumbay
Pagmamahal na walang humpay
Taos-pusong inaalay
Sa binatang kaagapay;

Binigyang katuparan
Ang daing ng pag-iibigan
Na walang pag-alinlangan;

Binatang taglay ang kakisigan

Wagas ang paghanga
Sa dalagang lubos ang pag-aalaga
Sa sinisintang napakahalaga
Gagawin ang lahat para sa pag-ibig na mahiwaga;

Sa nagdaan panahon
Pinagbuklod ng kahapon
Ang pag-iibigan naaayon
Sa dalawang pusong ipinag-isa ng Mahal na Poon…

No comments:

Powered By Blogger