Ako’y naglakbay sa liwanag ng buhay,
Matibay na pananalig ang siyang gabay,
Tungo sa daang hinaharap,
Nang may munting pangarap;
Sa gitna ng paglalakbay,
Pangarap ay abot-kamay,
Kinalimutan ang pinanggalingan,
Nalulon sa karangyahan;
Nalubog sa putikan,
Dangal ay dinungisan,
Pangarap ay lumisan,
Diyos ay tinalikdan;
Nagpasasa sa saya,
Buhay ay ‘di inalintana,
Kung gaano man kahalaga,
Kahit ito’y mawala;
Ngayon, ako’y kumakapa sa dilim ng buhay,
Marupok na pananalig ay siyang kaagapay,
Tungo sa landas na walang saysay,
Na may katauhang gamid sa bagay;
Aking napagtanto,
Puso’t isip litong-lito,
Kung saan patungo,
Sa daang likong-liko;
Lubos ang pagdadalamhati,
Nitong pusong pighati,
Sa buhay na sawi,
Labis ang pagsisi;
Diyos na tinalikuran,
Siyang nilapitan,
Humingi ng kapatawaran,
Sa salang kagagawan…
Matibay na pananalig ang siyang gabay,
Tungo sa daang hinaharap,
Nang may munting pangarap;
Sa gitna ng paglalakbay,
Pangarap ay abot-kamay,
Kinalimutan ang pinanggalingan,
Nalulon sa karangyahan;
Nalubog sa putikan,
Dangal ay dinungisan,
Pangarap ay lumisan,
Diyos ay tinalikdan;
Nagpasasa sa saya,
Buhay ay ‘di inalintana,
Kung gaano man kahalaga,
Kahit ito’y mawala;
Ngayon, ako’y kumakapa sa dilim ng buhay,
Marupok na pananalig ay siyang kaagapay,
Tungo sa landas na walang saysay,
Na may katauhang gamid sa bagay;
Aking napagtanto,
Puso’t isip litong-lito,
Kung saan patungo,
Sa daang likong-liko;
Lubos ang pagdadalamhati,
Nitong pusong pighati,
Sa buhay na sawi,
Labis ang pagsisi;
Diyos na tinalikuran,
Siyang nilapitan,
Humingi ng kapatawaran,
Sa salang kagagawan…




No comments:
Post a Comment