Sa pag-usbong ng makabagong sibilisasyon, ay hudyat ng pag-ahon sa kahirapan at pagtamasa ng kaginhawaan ng bawat mamamayan, bayan na kung saan ang aking mga ninuno ay minahal nila ito ng lubusan, ito’y masagana sa yaman sa iba’t-ibang uri ng pangangailangan, wala ng ibang pang hahanapin tanging pagyamanin, at ito’y pinaunlad ng mga taong taos-pusong nagmamalasakit para sa bayan, nang ako’y nagka-isip at siya namang pagmulat sa karahasan sa mura kong kaisipan, ngunit sadyang walang kaalam-alam sa kasaysayan sa lupang pangako ng aking kinagisnan… tanong ko sa nakakarami at sa unang nakatungtong sa makabagong sibilisasyon… Bakit? Nagkaroon ng ganitong sitwasyon… ang tanging sagot – Huwag mo ng alamin ang pinupukol ng iyong isip dahil sa mura mong kaisipan ay di mo lubos maintindihan ang mga nagyayari sa iyong kapaligiran… itong kasagutan lalong nagpasiklab sa wagas kong pagkatao, at naging uhaw sa kasagutang namumuo sa aking puso, ang tanging hangad ng aking pananaliksik ay upang mabigyang linaw ang mga pinupukol ng aking isip, sa kalaunan aking napagtanto – Na ang pinuno ng ating lipunan ay lubos ang pag-aabuso sa kapangyarihan na siya sanang proprotekta sa taong-bayan na naghalal sa kanila upang paunlarin ang pamayanan… taong-bayan na lubos na nagtiwala sa mga taong matatamis manalita, ano nga ba ang kanilang napala?
Bayan, na aking kinatungtungan wagas na masagana at mayaman sa pangangailangan, ngunit palalo’t ang away ng magkabilaan, sila’y kapuwa Pilipino, magkadugo at magkapatid sa inang bayan. Digmaan ng dalawang panig ay sanhi ng kapahamakan ng nakakarami, hindi alam kung sino ang nagpasimuno, ngunit ayon sa balita’y gobyerno’y walang sala… Kailan pa kaya hahantong ang digmaang ito? Mula ng ako’y isinilang, nagkaisip at natuto… labanan at karahasan ang tanging laman ng diyaryo at peryodiko… ang naghihimagsik nama’y ang hangad upang gobyerno’y mapabago…
Hindi naman lihim sa lahat, sa kahit na sino, na ang namumuno sa gobyerno’y kapangyarihan ang tanging hangad at maluklok sa palasyo, at sila ang nagpapasasa sa kayamanan ng tao, mga maralita nama’y nagpapahirap upang bayan ay umunlad at umasinso, ngunit ito nama’y nilapastangan ng mga gamid nakaupo sa trono…
Hanggang kailan pa kaya aabot ang ganitong pag-aabuso?
Hanggang kailan pa kaya hahantong ang ganitong sistemang pampulitiko?
Kapayapaan ang minimithi ng mga mamamayan sa lupang pangako, paano makakamit ang suliranin kung laging ganito, mamamayan hirap ang dinanas sa mga taong naluklok sa iba’t ibang establisimento na may masamang hangarin. Wala tanging magagawa kundi ang magparaya at kung ika’y magsasalita – ikaw naman ang may sala… nasaan na ba ang diwa ng ating bansa, na siyang mapagmahal at may malasakit sa kapwa?
Sino pa kaya ang lulunsad ng pakikibaka laban sa ganitong kasamaan?
Hanggang kailan magtitimpi at magsawalang-kibo?

No comments:
Post a Comment